Wednesday, February 22, 2017

Light Network, nasa Digital TV na!

By: Dyan Delos Reyes

Ang Light Network Channel 33 ay mas pinalaki at pinalawak dahil mapanood na ito sa Digital TV magmula Marso 2017!  Kapana-panabik ang pagbabagong ito dahil ang mga viewers ng Mega Manila ay makakaranas ng mas pinalinaw at mas pina-husay nakalidad ng video at audio ng Light Network sa kanilang mga TV. Sa simulang pag-digital broadcast nito, mapapanood naang Light Network kahit saan at kahit kalian dahil magiging available na ang channel sa digital boxes, digital-ready TV, at pati na rin sa mga handheld devices kagaya ng tablets, smart phones, at iba pang gadgets.

Ang “digitalization” ay ang proseso kung saan cino-convert ang Analog TV paramaging Digital Terrestrial Television(DTT). Sa madaling salita, ang kasalukuyang TV technology na meron tayo sa Pilipinas ay binabago at pinapahusay upang maging mas malawak, mas malinaw, at mas maganda ang kalidad ng mga channel. Sa pamamagitan ng transpormasyon na ito, ang Light Network ay magiging available nasa mas maraming platforms—at tunay na mapapalawak ang saklaw nito sa mundong television programming.

Sa isang panayam kay Engr. Antonio Soriano, ang Bise Presidenteng Technical Operations para sa Light Network, sinabi nyang nagagalak sya sa papalapit na Digitalization ng Light Network, sa pagkat matagal na itong napaghandaanng channel. “Tayo ang unang nag-convert from Analog to Digital transmitter.  Wala nang test-broadcast. Official broadcast na agad.” Sinabi rin nya na hindi pa lahat ng TV network ay handa sa pagbabagong ilulunsad ng Digitalization, kaya ang Light Network ay ang naunang channel na makakaranas ng kapana-panabik na migrasyonsa Digital TV, at sa Channel 33 pa rin mananatili ang frequency nito.

Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC), sa pamamagitan ng bagong teknolohiyang Digitalization, hindi lang gaganda ang kalidad ng mga channel namapapanood natin sa TV, kundi ito rin ay maghahandog ng ibang features kagaya ng data casting, multi-channel platform, One Seg, at ang importanteng Emergency Warning Broadcast System(EWBS), na ginagamit upang alertuhin ang bansa kapag mayroong sakuna kagaya ng mga tsunami, lindol, bagyo at iba pa.

Ipinahayag ni Engr. Antonio Soriano na ilan lang ang mga ito sa marami pang parating na benepisyong Digital TV. Ayon sa kanya, dahil sa kagandahang ilulunsad ng Digitalization sa bansa, muling mapapahalagahan ang silbi ng telebisyon sa buhay ng mga Pilipino, kumpara sa kanilang paggamit sa mga hand held devices. “Yes. Maibabalikang TV bilang prime Media tool,” aninya.

Visit here: www.lightnetwork.ph


No comments:

Post a Comment